It still feels surreal that I graduated. Ang vivid pa rin sa utak na noong July, nagkanda-lagnat lagnat na ako pati ang mga groupmates ko sa thesis para lang matapos ang paper namin. Sinimulan ko na nga rin tanggapin that time na hindi na nga ako ga-graduate on time.
Nakakakilig naman talaga malaman na graduating na talaga kami. At grabe yung ginhawang naramdaman ko nung natapos na 'yung paper namin, at nag-resign na ako sa ABS-CBN (this is another story). Though nabanggit ko sa friends ko na I feel not very much excited, pero kita ko rin naman how I prepared myself for the graduation. Ewan, baka hindi ko lang masyado ma-acknowledge 'yung feeling ng pagiging excited. Iba rin 'yung ngiti ko nang matanggap ko na 'yung congratulatory message ng LPU Registrar dahil Magna Cum Laude ako. Feeling ko hindi ko talaga deserve 'yon, but sobrang thankful ako talaga. Ganun pala ang feeling kapag nakatanggap ka nang sobra, parang gusto mo ibalik kahit na alam mong pinaghirapan mo.
Ang sa akin lang, grabe naman din kasi talaga ang dami ng Latin Honor graduates ngayon. Kasabay naman ito ng pagbaba ng kalidad ng education dito sa Pilipinas. Ang dami kasing naging adjustments pre and during pandemic. Iba rin ang reactions ng mga nasa corporate world tungkol sa generation of graduates ngayon, masyado raw entitled or what. Siguro dahil mas matapang at vocal ang generation ngayon. Pero 'yung sentiments na hindi competitive ang mga bago kahit na mga Latin graduates ay nababahala ako. Feel ko isside eye rin ako sa trabaho kung Latin honor ako. Ayoko talagang ito ang mag-represent sa akin, kung pwede ko nga lang ilihim ito habangbuhay ginawa ko na eh. Pero may benefits naman din talaga, at regalo ko ito sa pamilya ko na walang ibang binigay sa akin kung hindi tiwala at suporta. Success din nila ito. Kaya nga sinurprise ko sila noong graduation day, doon lang nila nalaman na may honor ako wahaha!
September 20, 2024 ako grumaduate sa PICC sa Pasay, at October 28 palang ngayong sinusulat ko ito. Parang ang dami na agad nangyari sa higit isang buwan na 'yon. Puro pahinga at nood movies (and Heartstopper!) lang din naman ako, at tuwing weekends tuloy pa rin naman ang pagiging freelance photographer ko sa mga events.
Isang buwan matapos ang pagiging estudyante ko, bigla akong natakot. Bigla akong napaisip paano ako 5 years from now? Paano ako 10 years from now? Makaka-ipon ba ako sa 20K a month na income for 3-5 years? Makakabili ba ako noon ng bahay? Makakabili ba ako ng kotse? Makakabili ba ako ng condo? Magkakaroon ba ako ng isang milyon, kahit na ang liit nalang ng halaga nito? Is it really okay to be single kasi hassle magka-partner? Do I even see myself dating kung feel ko kulelat ako sa career? Kailangan ba pagka-pasok mo sa work, magaling ka agad? Kailangan ba alam mo na lahat? Mai-stress ba ako tulad ng pinag-daanan ko sa ABS-CBN? Kaya ko ba maging empleyado o mas okay ako sa freelancing? Too distracted ba ako kaya hindi ko kakayanin ang corporate world?
Ang dami kong mga tanong na alam kong tanong at struggle din ng mga fresh graduates tulad ko. Pagkuha pa nga lang ng IDs ang dami ko nang rant sa buhay. Medyo naiinggit na nga rin ako sa mga friends ko na nagw-work na eh. Heto na naman ako sa feeling ko naiiwanan na ako at baka hindi ako magaling. Natatakot ako na baka umasa na sa akin ang pamilya ko pero wala talaga akong mararating. Baka peak ito ng career ko at wala nang magaganda pang darating. Baka habangbuhay na akong takot. Baka hanggang dito nalang ako sa mga bagay na alam kong gawin sa field ko. Baka magka-anxiety ako once I decided to try going out of my comfort zones.
I fcking hate this feeling. Para namang alam ko lahat 'di ba? But I just let myself be scared, and wonder. Some days chill lang, hanggang sa mapre-pressure na naman sa buhay. Nakakainis lang din kasi most of the days ay ang unproductive ko, sumasakit na nga katawan ko kakahilata. Ang taas ng motivation to walk everyday o work out pero walang discipline to continue and be consistent. Kaya ang ending? Ayun self disappointments.
Sana 6 months o one year from now kung babalikan ko man itong blog na 'to, sana nagwo-work na ako at sana naman masaya ako at may mga kasama ako?! Sana mas okay at mas magaling na ako kesa sa ngayon. Sana mas mapayapa ang utak ko. Sana mas malakas loob ko, sana mas solid na mga plano ko. Sana nakakapag-ipon na ako. Sana nakakatulong na ako sa bahay nang walang iniisip. Sana hindi na ako nagbibilang ng pera kasi iniisip ko na baka bitin, baka kulang, baka hindi umabot. Too much ba to ask na sana within one year? Hindi ko naman wish na yumaman agad, gusto ko lang maging masaya sa work at sumweldo nang maayos kahit fresh graduate.
Ang dami kong tanong at mga sana sa future, pero sa mga nangyaring past at present--- ang lupit pa rin naman ng mga pangyayari. I remember blogging before and asking the universe na sana kahit sa kalahati ng taon na ito magkaroon na ng good experiences. Nangyari naman! Natapos ang thesis, naka-graduate na may Honor, nagka-raket kahit kaka-resign lang, napakain ang pamilya sa graduation day ng masasarap na pagkain, nabili ko na rin ang dream lens ko, at may nabili na rin akong wireless microphones na dream ko lang dati (hindi pa dumadating as of this writing), at sa November?! Pupunta tayo ng Hong Kong! Uy! Grabe wala talaga ito sa bingo card ko ngayong taon, akala ko next year pa. Pero ang saya at ang exciting! Natatakot nga lang ako baka ma-offload (as an overthinker syempre), but I'm claiming this na in God's name. Amen!
Worry ko rin before if baka pagsisihan ko na nag-resign ako dahil wala na akong income, jusko ngayon masaya naman pala ako (kahit ni-rebrand ang Tabing Ilog). Sobrang okay ako ngayon kahit na hindi naman na ako kumikita fixed monthly. Hello, hindi ako well compensated doon at stress pa dahil walang alignment! Kaya happy ako now, kasi ang worry ko ay baka wala na ako maging client. But thank God, really thank God, never ako naging zero!
Hopefully tuloy-tuloy lang ang positive vibes na ito. Kahit hindi na super solid at peak moment, basta sana tuloy-tuloy lang din. Never naman ako magpapaka-lugmok. Huwag nalang talaga sana maging malas na naman.
Basta now, kahit may takot sa buhay, thankful at positive vibes lang!
Comments
Post a Comment