Skip to main content

Congrats sa'yo!




Marami nang nangyari. Graduate na si Renee, graduate na rin Katleen. Sa mga susunod na buwan at taon, 'yung iba naman sa atin.


Isa sa mga ipinangako ko sa sarili ko sa nitong nakaraang taon, hindi na ako kamo magke-kwento nang mahaba, hindi ko na rin iisipin ano bang mayroon dati.

Pero lagpas kalahati na ng taong ito, bigla ko lang naramdaman kung gaano ko itinali ang sarili ko para lang hindi mag-kwento. Hindi ako makahinga dahil hindi ako ganito. Iba ako sa inyo, punong-puno ako ng kwento.

5 years ago since 2019, bigla nalang nagbago ang plano ng mundo sa atin at dito tayo halos unang nag-isip. Pagtungtong ko ng college, naingayan ako sa mga tao. Bigla kong na-miss na mga ibon at hangin lang ang naririnig ko. Ito siguro ang ikinayabang ng CHSM sa ibang eskwelahan.

Noong 2020, pakiramdam ko naiwan ako sa litrato na ito. Akala ko hindi na ako makakaalis, pero nakaalis na rin ako tulad niyo.
Marami nang nangyari. Graduate na si Renee, graduate na rin Katleen. Sa mga susunod na taon, 'yung iba naman sa atin. Sina Shayne, Torio, pati yung iba, nagta-trabaho na. Ang bilis nalang ng bawat pangyayari. Totoo nga, hindi na tayo makakabalik sa dati.

Miss na kita pero hindi na tayo tulad ng dati. Alipin na tayo ng oras at salapi kaya salamat kung nagkikita pa tayo minsan.

Congrats sa bawat isa, sana magawa niyo ang mga plano niyo. Kung hindi tumalab, pwedeng-pwede kang mag-plano ulit. Kung hindi mo alam, pwede ka naman mag-isip ulit. Take your time, kahit may bills. Pahinga ka rin kapag may time, kahit may bills.

Congrats hindi lang para sa grumaduate, congrats kasi kinakaya mo. At sa mga sinusubok ng panahon at mundo, palagi mong tandaan ito:

"No work is worth your mental health."

Salamat sa mga iniwan at hinayaan mong pagkakataon, baka may mas bagay sa'yong maganda at karapat-dapat. Hindi tayo narito para manghinayang habang-buhay. At sana sa pagkakataong ito, minamahal ka at binibigyang halaga. Sana maayos ka at masigla. Sana hinahayaan mo pa rin ang sarili mong maging bata, kahit tumatanda ka na.

Labyu.

Comments

Popular posts from this blog

Seven Years: this is not a story of us

I will always be fascinated of how I fell in love so deeply with the same guy after 7 years. And just in case you're wondering, I waited for 7 years to have a picture with him 7 months after I manifested for it this year (2023, as of this writing). And guess what? That's a total of 7 pictures being beside each other all happened in a Sunday. And there let me say it, I'm the lucky one when that day alone felt mine. Prologue  End of the dry season of 2016 when I got chickenpox and I wasn't able to attend the first week of my Grade 9 because of it. And I enjoyed that excuse because I always hated attending school, besides I'm not classmates with my first guy crush in high school— Gerald. After a week I was surprised with new people in a classroom composed of more or less than 40 people. I knew some, but we were not that close. The solid friendship I only experienced was during my freshman year (even though I barely speak, at least I felt belong). Back then,...

I Just Graduated: Here's What It Feels Like

  It still feels surreal that I graduated. Ang vivid pa rin sa utak na noong July, nagkanda-lagnat lagnat na ako pati ang mga groupmates ko sa thesis para lang matapos ang paper namin. Sinimulan ko na nga rin tanggapin that time na hindi na nga ako ga-graduate on time.  Nakakakilig naman talaga malaman na graduating na talaga kami. At grabe yung ginhawang naramdaman ko nung natapos na 'yung paper namin, at nag-resign na ako sa ABS-CBN (this is another story). Though nabanggit ko sa friends ko na I feel not very much excited, pero kita ko rin naman how I prepared myself for the graduation. Ewan, baka hindi ko lang masyado ma-acknowledge 'yung feeling ng pagiging excited. Iba rin 'yung ngiti ko nang matanggap ko na 'yung congratulatory message ng LPU Registrar dahil Magna Cum Laude ako. Feeling ko hindi ko talaga deserve 'yon, but sobrang thankful ako talaga. Ganun pala ang feeling kapag nakatanggap ka nang sobra, parang gusto mo ibalik kahit na alam mong pinaghirapan...

It's 2025, and It's Blurry So Far

Last update from here was October 2024, well that's almost the last quarter of 2024 but many things have happened throughout that year that I could say... made me feel alive again somehow. I have recovered from my recent resignation in ABS-CBN, I was able to earn well again to support myself and my travel to Hong Kong. If I haven't mention this on my past blog, well, I just purchased my dream lens and a vlogging mic--- which both parts of my plans ever since before I enter the corporate world.  November 24 when I had my first international flight in Hong Kong. It's indeed a different world. Everyone was busy, everything feels so modern. I'm a graduate with honors but I feel so dumb there, and thank God I have my sister to save me all the time. Truly, experiences make you better and smarter, most especially when you are at the streets.  Almost everyday we had to join lunch and dinners with Kuya Rex's family and friends. I've tried Thai cuisine from his restaurant...