Looking back to my past private posts, January 2023 I felt so exhausted and alone. Feeling ko wala akong kasama at mga kaibigan, inggit na inggit ako sa mga friends ko from JHS and SHS na may mga support system during their college days.
Pinangarap ko nyan na magkaroon ng bagong camera dahil sobrang insecure ko na sa luma kong DSLR, kating-kati rin kamay ko mabili 'yung dream lens 'kong Sigma 30mm kasi f1.4 'yon. Baliw lang sa bokeh hehe. Nung mga time rin na ito, nabubulabog ko rin ata si Mariel about sa mga reminiscing moments ko sa ex ko, sobrang confused at nasasaktan pa rin. Napapaginipan ko pa rin minsan.
Wala akong idea ano mangyayari, March to June parang inis na inis ako sa mga obligasyon ko sa org ko sa LPU na LMAS, puro nalang event coverage. Napapagod na kasi ako haha! Nung June, nag-cover kami ng pageant sa LPU, may naging crush nga ako doon eh. Kaso hindi naman in-accept ang friend request ko, hmp!
Ang dami ko ring alone days sa coffee shops nung taon na 'to, which I loved. Me time ko 'yon eh, parang pahinga ko. I manifested going to the beach rin, at nangyari naman tatlong beses pa ha. 'Yung isa, sa Boracay pa!
Lahat ng minanifest ko noong 2023 ay halos nangyari lahat, 'yung tipong 'yung mga hindi ko nagawa ay hindi ko ikinalungkot. Sobrang laking achievement talaga 'nung nakabili ako ng Sony A6300, tapos may Sigma 30mm f1.4 pa, nabili ko nang halos magkasunod na buwan. Ang galing lang! Nagawa ko talaga 'yon kahit estudyante palang ako?
Noong April, sobrang emotional dahil sa crush na Yce. Buryong-buryo talaga ako bakit ko naging crush ulit siya, kaya ayon, nagpa-inom! Emotional man, April 4 and 5 were one of my memorable nights ng 2023! At infairness naman, kung tungkol lang din sa jamming at inuman, nagkaroon na ako ng college friends. Nakapag-bonding na rin kami sa inuman, may iyakan at laitan pa nga eh. Shuta, 'yung Chilltop Lacson napaka-init na at hindi ko na ma-enjoy. Sawa na siguro ako.
Masaya ako kasi last days of 2023, nag-look back ako na malungkot ako dahil feel ko mag-isa lang ako. Pero ngayon ang ingay-ingay na ng GC namin ng college friends ko. Grabe, salamat naman Lord at naibigay mo 'yung manifestation na 'yon haha much!
Nung July, first time ko sumakay sa airplane dahil mags-swimming naman kami sa Boracay. Salamat sa nag-sponsor, si CGB na family friend namin. Ang saya! Nakakakaba, nakakatakot, at ang exciting ng feeling na nasa airplane na ako sa wakas at sa Boracay pa! Sobrang hindi ako makapaniwala na nandoon ako, paradise talaga pota!
After ng Boracay, direcho enroll agad ako sa summer class ng LPU na kasalanan naman nila. Bayaran na naman kasi! Ang hirap ng schedule na 'to, 8:30AM to 8:30PM? Pamatay lang! Buti medyo magaan ang exams sa RPH at TCW, pero 'yung Understanding the Self talaga nakakabaliw! First time in 4 years ko ata 'yon nagka-written exam. At thank you Lord dahil matataas ang exams ko at naka-uno pa sa subject na 'yon.
Nanalo din nga pala nung January 'yung film naming 'The Silencer' sa LyCinema for 3SF category. Tapos nanalo ring 1st Runner Up 'yung 'Malison' para naman sa Languages Festival. Maliliit mang events, aba nakakatuwa dahil achievement pa rin 'yon sa totoo lang! Hanggang ngayon nga hindi pa rin namin nagagamit 'yung GC sa Bayleaf hehe!
Ano pa ba nangyari? Shuta ang dami! Heto, birthday ko. Alam ko namang dream ko magkaroon ng birthday party, eh. Ini-imagine ko talaga lagi may surprise akong birthday tapos nandoon lahat ng friends ko tapos magme-message sila sa akin. Kaso hindi naman 'yan gagawin ng pamilya ko, at parang mas gusto kong ako ang magbibigay 'non. Parang isang bagay ko siya na dapat ibigay sa young self ko.
Nangyari naman, sa Shakey's! Marami hindi nakapunta pero oks lang, pumunta naman ang crush kong si Yce haha! Nakita ko rin ang mga naging mabait sa akin nung JHS na sila Arvy. Tapos elementary friends ko na sina Russel. Nagka-picture ako sa kanila lahat, nag-message pa isa-isa. Kaya masaya na rin ako. Feeling ko, enough closure naman na 'to kay Joshua. Gumaan na ang loob ko.
Ang ironic lang, hindi to plano ha. After ng birthday ko, nag-Pop Up kami. At sa mismong pinag-inuman pa namin nila Alyssa nung April kami nag-inom. As usual, timag-kabilang table kami nila Yce. Intentional siguro kasi feel ko may GF na siya? Jk, overthinker lang!
Tinake ko 'yon as a closure na, nung April I really wondered kung magkikita pa ba kami, wala man lang kaming picture. Halos iiyak ko 'yong gabi na 'yon. Buti binigay ni Yce. Buti nangyari. Kahit na feeling ko napilitan lang siya, sorry sa GF niya kung ganon. Sige na, birthday gift lang hindi naman aagawin. Wala rin naman pag-asa sa straight haha!
All was good, kahit yung thesis defense namin nung una from October. Pero nung final defense na nitong December, jusko naligwak kami at biglang comparative analysis nalang. Hindi tuloy natuloy ang plano namin mag-Enchanted Kingdom! Oks lang, di ko rin feel magpunta.
Kung iisipin, dami ring down days talaga. Isa pa don problema ko sa sarili ko, feel ko ang unproductive ko, super stress, at ang taas ng screentime. Hindi ko talaga maayos-ayos, pero careful lang sa sarili dahil ako lang naman ang kakampi ko.
Isa sa pinaka-down moments ko ngayong taon ay ang love life ko, taena March noong may genuine guy na gusto ako i-pursue pero hindi ako ready. Pogi pa naman 'yon. Eh, kesa naman i-take ko siya for granted. Nag-regret lang ako nung July. At nung July na 'yon, may nakilala naman ako from PUP, gustoko sana siya eh. Medyo naiisip ko nang siya ang next BF ko, kaso urong-sulong. Limang beses na ata niyang kinancel ang date namin, 'yung huli ay 'yung nag-reply siya sa myday ko tapos bukas agad ang date. Edi G ako, sabi niya update niya raw ako. 3AM na at 11AM ata date namin, pero walang update. Pagka-chat ko, ayon nabawasan daw pera niya. Ayaw niya raw libre ko siya o magkulang pera niya. Ewan, ang gulo. Yung iba kong na-meet, ang liliit pa sa akin, disappointed ako haha!
May mga nakausap din ako na ilang oras 'yung usapan tapos kinabukasan parang wala na, ano 'yon pampalipas oras lang? Iniisip ko, baka pinipilit ko lang talaga magka-jowa kahit hindi pa naman talaga dapat. Baka gusto lang ako but will never be pursued. Naaawa na ako sa sarili ko, ako lang din dahilan bakit ako nasasaktan nang ganito eh.
Sobrang thankful ako sa lahat ng nangyari at naging parte ng 2023 ko. We're moving forward together, but not all are coming with me. I have to let some people and some moments go, dahil ganon talaga dapat. Ang dami kong emotions, at natutuhan sa taong 2023. May mga regrets, pero natutuwa ako na tinu-turn ko siya as lessons. Maganda pa rin ang taon na ito, ang dami kong nagawa. Ang dami kong naranasan na hindi ko inaasahan.
Maraming salamat sa Diyos, kung sino man siya. Salamat sa lahat ng taong naniwala, nag-intindi, nagmahal, at sumuporta sa akin. Sana ganon din ako sa inyo. I always wanted to make you feel how you mean to me as a friend, as my support system.
Kahit na sinabi kong ready na ako sa 2024, ang totoo hindi. Huling taon ko na ng 2023 bilang student at freelance, claiming it! Next December, most likely graduate na ako at may trabaho. Malaki ang maiiba. Kaya ang hirap maghanda. Pero chill nalang talaga. Life goes on. Bahala na. Basta walang sukuan 'to!
Again, salamat 2023!
No more looking back. Just moving forward hehe!
Comments
Post a Comment