Lately naisip ko bigla how things change so fast, and I realized that I can't feel the essense of Christmas anymore. Parang hindi na ito para sa akin? Hindi na ako excited. Parang iniisip ko nalang lahat ng gastos, ang mga araw na hindi ako makaka-raket. It's another time to worry about the upcoming new year. Ano na naman kayang mangyayari sa akin?
Parang ang pasko ay para nalang sa bata.
Pero naisip ko, ito rin ang time para maging marahan sa sarili natin, at magpasalamat dahil despite many mistakes, many downfalls and all, nakarating tayo sa puntong ito.
Ito ang panahon para maalala na kahit gaano man katindi ang mundo, (cringe ito pero totoo ha hehe), pagmamahal pa rin talaga ang nagpapagaan ng lahat 'no? Pagpapahalaga mo sa sarili mo, 'pag look back sa lahat ng mga bagay na kinaya mo kahit akala mo hindi, sa mga taong dumating sa buhay mo, sa mga natutuhan mo. Pasasalamat dahil may kasama ka, o naging kasama ka ng kung sinoman ang nangailangan.
Hindi lang din pala ito para sa bata. Iba lang kapag mas matanda ka na, mas malalim at mas may dahilan ka na.
Nakakagaan ng loob makita ang mga christmas lights, at makinig sa mga christmas songs. Parang pahinga at simbolo na parte ka pa rin ng mundo. Na oras at lugar pa rin para magpahinga ka at i-celebrate ang mga bagay na gusto mo.
January this year, ang laki ng lungkot ko dahil feeling ko wala akong kaibigan. Habang ang mga friends ko from JHS at SHS ay may solid na college friends. Palagi akong mag-isa at walang kasama. Pahirapan pa sa mga kaklase.
But looking back from this time, nakakatuwa. Dahil I didn't expect to click and open myself to some of my college friends, na nakakausap ko na rin naman na from the very start, nahiwalay lang ako ng section. I'm thankful to these people dahil nagkakulay ang college ko. Sapakan nalang kung may betrayal?! Jk.
'Yung akala kong isang taon na, around 8-9 months palang pala. Ang dami nang nangyari at napag-kwentuhan.
I reunited din this year with Boombooms and Worldwide. I've met and exchanged conversations with Mariel so many times. Nangyari na ang dream kiddie party ko. Na-meet na ulit ang crush, finally closure. Nakabili na ng bagong camera, ng bagong lens, nagka-bagong sapatos, mga damit, camera batteries, nagka-gimbal, nakakapag-coffee shop kapag gusto, masaya sa birthday dinner... at maraming-marami pang iba.
May mga redirection tulad ng thesis/capstone, pero alam ko at umaasa akong may matututuhan kami sa pangyayari na ito. Masaya ako na nagpo-pokus ako ngayon sa mga magagandang nangyari, at kung may hindi man, palagi kong iniisip na parte ito ng buhay at makikita ko nalang isang araw kung paano ko nalagpasan lahat nang 'yon.
Masarap 'yon sa pakiramdam.
Ang dami ko ring failed situationships ngayong taon, pero sa New Year essay ko na 'to hahaha!
Basta ngayong pasko, maraming salamat sa lahat ng taong naging parte ng buhay ko. Sana mabuhay pa tayo nang matagal at matupad mga pangarap natin. Salamat dahil naging support system ko kayo.
At salamat sa Diyos, totoo na 'to, totoo talaga ang dasal at 'yung may gagawin ka tapos magtitiwala ka nalang din sa Kanya. Hindi ako religious, pero naniniwala talaga ako na mayroong Diyos na nakikinig kung ano man ang tawag sa Kanya.
Salamat. Walang hanggang salamat. Dahil malaki ang takot ko sa buhay, pero nakakayanan ko pa rin. Salamat sa sarili ko dahil marami akong naibigay sa kanya nang hindi ko kailangang hingin sa pamilya ko. Salamat sa mga ate ko, dahil pinag-aaral ako nang walang pressure. Palaging sinu-suportahan ang gusto ko. Ang erpat ko na alam ko ring naniniwala sa akin.
Marami akong negative thoughts ngayon, at alam kong mas marami pa sa susunod na mga taon dahil sa quarter-life crisis (na nararamdaman ko na ngayon), pero kung babasahin ko man 'to ulit, please lang huwag mong sukuan, Seventh. Maraming bagay na hindi mo alam paano mo matatapos, pero nagawa mo. Huwag hanapin ang sagot sa mga tanong na along the way mo lang malalaman. Just enjoy the hustle of life!
Ang dami ko na namang sinabi?! Malamang blog ko 'to.
Merry Christmas to all. Kahit hindi niyo ito nababasa. Nakakahiya na kasi mag-drama. Sorry sagittarius kasi ako! Emz.
I love you all! ❤️
Comments
Post a Comment