Lately naisip ko bigla how things change so fast, and I realized that I can't feel the essense of Christmas anymore. Parang hindi na ito para sa akin? Hindi na ako excited. Parang iniisip ko nalang lahat ng gastos, ang mga araw na hindi ako makaka-raket. It's another time to worry about the upcoming new year. Ano na naman kayang mangyayari sa akin? Parang ang pasko ay para nalang sa bata. Pero naisip ko, ito rin ang time para maging marahan sa sarili natin, at magpasalamat dahil despite many mistakes, many downfalls and all, nakarating tayo sa puntong ito. Ito ang panahon para maalala na kahit gaano man katindi ang mundo, (cringe ito pero totoo ha hehe), pagmamahal pa rin talaga ang nagpapagaan ng lahat 'no? Pagpapahalaga mo sa sarili mo, 'pag look back sa lahat ng mga bagay na kinaya mo kahit akala mo hindi, sa mga taong dumating sa buhay mo, sa mga natutuhan mo. Pasasalamat dahil may kasama ka, o naging kasama ka ng kung sinoman ang nangailangan. Hi...