Skip to main content

Posts

Showing posts from October, 2024

I Just Graduated: Here's What It Feels Like

  It still feels surreal that I graduated. Ang vivid pa rin sa utak na noong July, nagkanda-lagnat lagnat na ako pati ang mga groupmates ko sa thesis para lang matapos ang paper namin. Sinimulan ko na nga rin tanggapin that time na hindi na nga ako ga-graduate on time.  Nakakakilig naman talaga malaman na graduating na talaga kami. At grabe yung ginhawang naramdaman ko nung natapos na 'yung paper namin, at nag-resign na ako sa ABS-CBN (this is another story). Though nabanggit ko sa friends ko na I feel not very much excited, pero kita ko rin naman how I prepared myself for the graduation. Ewan, baka hindi ko lang masyado ma-acknowledge 'yung feeling ng pagiging excited. Iba rin 'yung ngiti ko nang matanggap ko na 'yung congratulatory message ng LPU Registrar dahil Magna Cum Laude ako. Feeling ko hindi ko talaga deserve 'yon, but sobrang thankful ako talaga. Ganun pala ang feeling kapag nakatanggap ka nang sobra, parang gusto mo ibalik kahit na alam mong pinaghirapan...